until stairway to heaven



By Magic
From the album:Rude - Single


kjfadivinetunes:

MAGIC! | Rude


041514 - pagtrato sa mnga babae - WIMM 13 - TC - 141am

babae sa buhay ng lalake.. Maraming katangian ang meron sa isang babae. May mga babaeng matapang at palaban, makulit, selosa, makasarili, iyakin at matampuhin. Kahit anumang katangian meron sila, babae pa rin sila. Babae na dapat irespeto. Dapat ingatan, alagaan, papahalagahan, hindi iiwan at mamahalin ng walang katapusan. Kahit na nasasaktan nmn tayo mga lalaki, hindi ibig sabihin na saktan na rin ninyo sila. Dapat ibahin natin ang tingin sa kanilla. Ang mga babae lang naman ang pinakamahalagang bagay dito sa mundo. Kaya dapat pag ingatan ninyo sila.

Hindi tunay na lalaki ang nananakit ng babae. Wag ninyo silang gawing kawawa, may mga damdamin din ang mga babae. Damdamin na pwedeng masaktan kahit mga simpleng bagay lang ang dahilan. Kaya sana tayo mga lalaki, bago gumawa ng isang bagay, isipin muna natin kung ikakagalit ba nmn, o masasaktan ba sila. Kung sinasaktan mo ang girlfriend/asawa mo, maawa ka naman, BABAE yan. Minsan lang dadating sa buhay ninyo ang tamang babae na magmamahal at iintindi sa inyo. Kaya kung nakita mo na ang sa tingin mong para sayo, wag mong saktan, wag mong pakawalan. Kasi sigurado, hindi mo na
makikita sa iba yan. 

 Ang babae, ay mananatiling isang babae, na dapat mahalin at pag-  ingatan. Bigyan ng respeto na galing sa kalooban. Ituring ninyo
silang parang isang kapatid o  kabarkada, irespeto ninyo sila
tulad ng pag respeto nila satin mnga lalaki….


Paano kung isang araw, minumulto ka na lamang ng kanyang pagmamahal? Paano mo hahanapin ang sarili mo sa kawalan?

napabayaan:

Siguro sa mga oras na ito, masasabi mong masaya ka dahil mayroong isang taong alam ang halaga mo. Yung taong sigurado ka na hindi mawawala sayo dahil kapag tinatanong mo siya ng "Promise?" ang lagi niyang sagot ay "Promise." Yung taong binibida ka sa mga kaibigan niya, sa mga magulang niya o…


Pag pinagsama-sama ba yung paglalandi, makakabuo ba ito ng pag-ibig sa dalawang magkaibang tao?

napabayaan:

Sa mundong ito, marami kang makikilalang makikipag-kaibigan sayo. Yung iba, nananatiling kaibigan. Yung iba naman, hindi mo namamalayan minamahal ka na pala. Samantalang yung iba, wala palang ibang gustong gawin kundi ang landiin ka lang. At kapag itong taong to ang nakilala mo, wala na, patay ka….


12314- para sa manga taong may pinagdadaanan - WIMM 12 -TC-222am

 Sup mnga Dreh. ako’y muling nagbabalik.. unang payo ko for the year 2014.. lahat tayo may kanya kanyang problema at pinagdadaan kung minsan sumusuko dahil sa nahihirapan tayo.. dapat hindi ganun… 

Tatagan mo ang loob mo, sa tingin mo ba eh diyan ka pa dapat sumuko? Sa rami ng taong may problema. Sa tingin mo ba ayan na ang pinaka malala? Tumingin ka sa paligid, bahay mo or kung ano man nakikita mo diba?

Lahat naman tayo may problema, kung iisipin mo ang boring ng buhay kapag walang problema, parang wala kang challenge sa buhay, paano ka magiging tao niyan? Paano ka matututo? Naniniwala ako na nakasulat na yang pinoproblema mo ngayon. Alam niyang kaya mo yan. Ngiti kaibigan.

Lahat naman ng problema mahirap kapag inupuan mo lang ito at hindi sinosulusyunan kung kaya mo ngayon resolbahin agad kinabukasan o ngayon yan eh pwede naman. Minsan kung iisipin mo ang babaw ng problema, madalas sa assignment ka pa namromroblema kung kanino ka kokopya. Eh pwede ka namang gumawa diba? Makes sense na?

Basta, sobrang dami naman ng problema talaga. Hindi tayo mawawalan. Maaring minsan maisip mo na wala kang problema, pero minsan tinatakasan mo lang talaga. Maaring may magaan na problema, pwede ring mabigat. Mapa pag-ibig, thesis, trabaho, sa pamilya o kahit saan pa man. Isipin mo lagi na makakayanan mo rin ito. tiwala lang at PUSO ang kailangan. Sabi nga nila kung gano kalaki na pagsubok ang binigay sayo ng diyos, ganun din kalaki ang tiwala nyang malalampasan mo ito…..
Basta may tiwala akong kaya mong lagpasan yan.


122713 - Martyr Nyebera - WIMM 11 - TC - 139pm

Uii Dri, Alam mo kahit naman hindi kayo, tapos mahal ka pa din magpasalamat ka dahil doon.. sinaktan mo na siya pero andyan pa din siya minamahal ka.. Dapat kasi hindi mo sinasaktan yung taong minahal ka ng sobra at nirerespeto ka at stick to one sayo.. Bihira na ang lalakeng ganyan! Tapos may ibang babae pa na galit na galit sa mga lalake kasi manloloko.. Pero ayan tignan mo sitwasyon na yan, Ang babae ang may sala  Kapag ang lalake nasaktan, tandaan mo mag break man kayo, pero feelings nun andun pa rin.. Aalagaan ka pa din nun sa isip nya kahit sinaktan mo siya.. Kung ako sayo, Ipakita mong sincere ka na hindi mo na siya sasaktan.. Gawin mo yung mga hindi niya pa nakikita nung una na maging kayo.. O ano nagsisisi ka no? Kasi wala na siya sa buhay mo pero mahal ka pa, at narealized mo malaking kawalan sya sa buhay mo.. Pektusan kita eh.. pero syempre Joke lang!


121613 - Sometimes love knocks you down… just get back up when it knocks you down - WIMM 10 - TC - 247am

Ang hirap umasa lalo na alam mo naman wala naman talagang pag-asa.. Ang hirap din mahalin yung alam mo na hindi rin mapapasayo.. Ang hirap din ibalik yung dati.. Ang hirap din yung nasasaktan ka ngayon pero wala rin naman mangyayari.. 

EXACTLY! wala rin magbabago kahit umasa ka ng umasa kahit alam mong walang pag-asa.. Parang nagpakahulog ka sa bangin na ginusto mo din.. Wag ka mawalan ng pag-asa.. At wag mo hayaan mag focus ka sa isang bagay kung saan alam mong magiging malungkot ka. Tulungan mo sarili mo.. May utak ka na, Matanda ka na.. Alam mo na ang tama at mali!


111213 - 3 Reasons - WIMM 9 - TC - 245am

Malalaman mo na Mahal ka ng isang Tao kung..

- Hindi siya Natatakot na Pagalitan ka Pag Pasaway ka.
- Sabihan ka ng Baliw o Adik kapag Makulit ka na.
- Alam niya yung mga Kapintasan mo at mga Bagay na Ikagagalit mo pero Inaasar ka pa rin niya.

Ginagawa niya yun hindi para Mapikon ka o Mag-away Kayo, Kundi para malaman mong kahit ganun ka, Mahal ka talaga niya.


111213 - Maghintay ka lang - WIMM 8 - TC - 225am

Naranasan mo na bang Mainlove sa isang taong hindi naman Dapat? Masakit diba? Minsan naitatanong mo na lang sa Sarili mo kung bakit sa kanya ka pa Nainlove. Eh hindi ka naman niya Mahal. Siguro ganun talaga. Masasaktan ka muna bago ka Sumaya. Madami ka munang mararanasan sa Buhay bago mo matagpuan yung taong Para Sayo. Mapupunta ka muna sa Maling tao bago ka mapunta sa Tamang tao para Sayo. Kaya kahit ilang beses ka ng Nasaktan, Wag kang mawalan ng pag-asa kasi may Tamang taong nakalaan Para Sayo. Maghintay ka lang.


Let someone love you just the way you are – as flawed as you might be, as unattractive as you sometimes feel, and as unaccomplished as you think you are. To believe that you must hide all the parts of you that are broken, out of fear that someone else is incapable of loving what is less than perfect, is to believe that sunlight is incapable of entering a broken window and illuminating a dark room.
Marc Hack   (via happinessprinted)